Tuesday, September 18, 2007

spectacular!!!


"the nicest thing is to open the newspapers and not to find yourself in them"
-George Harrison
THE BEATLES
May kung ilang taon na ang nakakaraan, bumulaga sa mga pahayagan ang kamatayan ni John Lennon. Pinatay siya ng fan na naaantipatikuhan sa kanya.
Lumipas pa ang ilang taon, sinindak naman ulit ang industriya ng musika nang magpakamatay si Kurt Cobain na hinaluan ng kontrobersiya.
Kamakailan lang namatay si Pope John Paul II, bunga ng katandaan, idolo ng sang-Katolikohan.
Maraming nagtatanong o hindi naglalakas loob na magtanong kung bakit naibabalita pa ang mga ganitong bagay na kung iisipin ay pribadong bahagi na ng buhay ng isang tao.
Oo, tao.
Para maging laman ng balita, usapan sa tambayan at laman ng tsismisan, kailangan sikat ka. May halong kontrobersiya ang uri ng pamumuhay mo. Bibihira maging usapan ng mga tao ang mga tungkol mismo sa kanilang personal na buhay.
Kanina kasi, bibili sana ako ng tinapay para sa aking almusal. Paglabas ko sa kalsada ay nakatapak ako ng mga langgam.
Oo, mga langgam.
Pinagpipiyestahan nila ang piraso ng tinapay na nahulog mula sa batang tumatakbo/naglalakad sa harap ng bahay namin.
Nabangga ko siya, hindi ko nga alam kung ako ang tumatakbo o siya, basta nabangga ko siya.
Malapit na ako sa karinderia na bibilhan ko ng tinapay, nalilito ako kung saan papasok dahil nakaharang ang mga nakaparadang tricycle sa harap.
Puno ang loob ng karinderia ng mga taong kumakain.
Lumabas ako dala ang isang supot ng pan de coco.
Napakainit, tagaktak ang pawis ko.
Dala-dali akong tumawid, bigla ko na lamang naramdaman ang pagsakit ng aking balakang, at nawalan ng malay.
Kinabukasan , hawak ko ang tabloid, LALAKI AT PAN DE COCO, NA-HIT-AND-RUN!