Thursday, September 27, 2007

INAgurasyon(inaguration)


kupas na damit
at pinaglumaang karsonsilyong nakabilad sa nakakasilaw na sinag ng haring araw

napapaknit na maong, naghihimulmol na laylayan ng polong may mantsang PULA

isang basong pawis ang naipon kanina pa



mga sigarilyong sinasagad ang hithit hanggang upos
pigtal na tsinelas suot mo ngayon
nanggigitatang kariktan napupuna ng iba
pinatayuan ko ng mounumentong napakagara

matikas ang tayo ng mamang kumakalam ang sikmura
latang lata ang bata sa kalalaro ng sipa







1 comment:

too beautiful to quit said...

nakakamis ito bro..naiiyak tuloy ako
char!
miss u