Monday, September 10, 2007

Kabalintunaang Kalagayan





Minsan gusto ko nang itakwil ang masang minsa'y gusto mo pang ipagtanggol dahil sa hirap na dinadanas nila. Ang kontradiksyon na ito ay pilit na kumukurot sa aking puso at isipan sa dahilang ang kahirapan na kanilang nararanasan ay maaaring bunga rin ng kanilang kapabayan.

Sasalamin ang ganitong kalagayan sa kasalukuyang kundisyon na aking kinalalagyan. Sa Tingin ko hindi naman nagpapabaya ang mga kinauukulan sa pagpapaalala at pagbibigay ng tulong sa dapat nitong abutan. Subalit kailangang matiyak na ang tulong na ito ay mapupunta sa tamang pinaglalaanan.


Walang katapusan ang kontrobersiya ng korupsyon sapagkat habang patuloy sa pag-ikot ang buhay ng tao sa pera. Patuloy naman itong dedemonyohin ng tukso.

Korupsyon sa simbahan, sa pamahalaan, sa mga pamayanan, sa mga pagawaan, at opisina ay tiyak na lalala kung hindi mapagtutuunan ng makabuluhang programa.

Ang kasalukuyang inihahain ng kabihasnang ito ay tiyak na lilibing sa mga pangarap ng mga nagtatanggol.

No comments: